beam me up scottie!

Wednesday, September 19, 2007

ang pagbabalik!

aba'y mantakin mo nga naman... halos isang taon pala ako di nagkwento.

punyeta silang mga pakshet sila (LAHAT sila!), pinaiinit nila ang ulo ko (na mainitin na talaga sa simula palang).

andaming nangyari sa loob ng isang taon ko sa boondocks ng dasmariƱas. ngayon e alam ko na kung bakit pinili ko ang delubyo ng diliman sa trapik ng taft, para maging "shining light" sa ibang mga tao. pero pano kung yung mga sisinagan mo e sadyang mga purol talaga at kuntento sa pagiging bulag? eto ang sitwasyong kinakaharap ko ngayon.

sa loob ng halos 8 taon ko bilang isang iskolar ng bayan, sinanay kami na wag tanggapin ang PWEDE NA. dapat daw e ang isang likha mo e nagsasalamin ng oras, pagod, at ng hirap na dinanas mo para magawa ang isang obra maestra. ngayon, ako'y nasa isang lugar na kung saan ang PWEDE NA ay tumatanggap ng papuri.

nakakalungkot isipin na marahil ay isa ito sa mga rason kung bakit di tayo umaasenso bilang isang bansa, dahil sa PWEDE NA. di pa huli ang lahat para magtanong, magbasa, at magmuni-muni. sana...

sabi nga ng isa sa aking mga propesor, "wag ganun..."

sa dami na pinoproblema ko ngayon, isa lang ang masasabi ko sa mga taong "nagpapasaya" ng araw ko... putang-ina nyong lahat!

nawa'y makaraos din ako sa mga paghihirap na ito.

PS: congrats sa UP pep squad! literal na tumaob sila senyo.

Friday, October 27, 2006

ang suma total

3 linggo na pala ang nakakaraan simula nung huli ko kayong kinuwentuhan ng tungkol sa buhay ko. kaya't eto ngayon at magkwe-kwento nako ng medyo mahaba-haba habang marami pa akong oras na pwede sayangin.

sa kasalukuyan ay isa akong estudyante sa berdeng bulubundukin ng cavite. siguro dun sa sinabi kong yun e malalaman nyo kung anong unibersidad ang tinutukoy ko. bago ako napadpad ng tadhana dun e nakapag-aral ako ng ilang taon sa isang unibersidad sa kalakhang maynila na ang tinaguriang mascot nila ay ang parrot.

ayon sa text na pinadala sakin ng isa kong kaibigan ay ang maiikling pagsusulit namin sa "unibersidad ng parrot" e pinal na pagsusulit sa ibang paaralan. ngayon, dahil sa 4 na buwang pag-aaral ko sa berdeng bulubundukin ng cavite, masasabi ko na sa kabuuan e totoo yun. marahil sa pagkukumpara kong ito ay makikita mo ang estado ng mga kolehiyo at unibersidad sa ating bansa.

mas gugustuhin ng ilang mga administrador ang kumita ng limpak-limpak na salapi imbes na siguruhin na ang kanilang mga estudyante e "may ibubuga" sa mundo na kanilang papasukin pag nakuha na nila ang diploma ng pagtatapos. napansin ko ito sa aking kinalalagyan ngayon. mas pinag-uusapan ng ilang mga estudyante kung ano ang pinaka-bagong selpon o kung saan gigimik mamayang gabi kesa pano matapos ang isang gawaing-bahay. isa lamang itong maliit na paghahambing sa mga uri ng tao na mayroon sa ating bansa. bakit nagkaganoon? hindi ko rin alam. pero ang pinakasisiguro ko sa inyo ay hindi ako mapapabilang sa mga taong "walang ibubuga".

maiba tayo sa ibang bagay, tumataba na ata ako. napapansin kong tinutubuan na ako ng tiyan samantalang dati ay sintatag ako ng isang blokeng semento? dahil kaya ito sa kakulangan ng oras para mag-ehersisyo o dahil sa pagmamahal? kahit ano pa ang sagot e wala akong pakialam kasi masaya ako sa estado ng buhay ko ngayon. pero sisimulan ko narin bumalik sa dati kong kundisyon. si doc flavier narin ang nagsabi na, "bawal magkasakit". iba na ang may kaukulang pag-iingat. hanggang sa muli mga "kapatid sa pananampalataya"...

Friday, October 06, 2006

ilang tulog nalang, nasa akin ka na rin sa wakas...

halos tatlong linggo narin pala akong di nagkwekwento senyo.
hay naku, basta... isang napakalaking bola ng "stress" yung mga nakaraang linggo.

parang dinaanan lang ako nung kaarawan ko, halos di ko rin naranasan e.
eto pa't ilang araw nang puyat.
para bagang andaming nanghihingi ng atensyon mo.
di naman ganun ka-importante yung iba.

ah, ewan!

umaasa na nga lang ako na malagpasan ko na yung darating na linggo nang makapag-pahinga ng matino.

Thursday, September 14, 2006

tiis-tiis nalang muna...

dalawang linggo na pala ang nakalipas simula nung huli akong nagsulat sa blog ko.

kumusta naman ang buhay ko simula noon?

mga araw na halos bumagsak ang katawan ko sa kalagitnaan ng klase dahil naghahanap na ng tulog ang katawan ko. may araw din namang libre ako kaya't nagagawa kong mag-liwaliw (halimbawa e ang magpunta sa QC para umasikaso ng iba't ibang bagay). pero napansin ko lang, parang ako lang ata ang kayod-marino sa mga klaseng pinapasukan ko ngayon. iba lang siguro kami ng mga bagay na binibigyang-halaga. basta ako, di ako papayag na mahigop ako ng ipu-ipong tinatawag na katamaran.

ilang linggo nalang naman e tapos na ang unang semestre ko sa aking bagong lokasyon (ang mga berdeng bulubundukin ng cavite). ilang semestre nalang ang nalalabi pagkatapos nito...

andami ko naring bagay na di naaasikaso... boseng, mahal kita. *eeeeeeeeeeeeee!!!*

hay, makatulog na nga't may isa na namang nakakalokang araw na naghihintay sakin...

Thursday, August 24, 2006

patay kung patay...

ako'y nasa gitna ng isang linggong walang katapusan. di nako nakatulog ng matino simula nung lunes dahil gabi-gabi ay mayroon akong asaynment na kelangang gawin. kape at kalamansi juice nalang ang bumubuhay sakin.

kung kaya't naisipan ko naring wag pumasok ngayon para lang makatulog ng 3 oras. di ko na inisip na may kwiz pala sa REED141 at isang proyekto sa FILI101 pala akong dapat ipasa ngayon. tutal naipag-paalam ko narin nung martes sa mga guro ko na di ako papasok ngayon. dapat kasi ay nasa cebu ako ngayon para sa libing ng namatay kong tiyuhin.

grabe itong linggong ito, ngayon ko lang naranasan ito sa buong buhay ko sa kolehiyo!

ganun pa man, di parin magbabago ang iniisip ko tungkol sa kolehiyong pinapasukan ko ngayon. hehehehe.

o sya, shine na... este balik nako sa pagtatrabaho. lintek lang talaga pag di henyo ang tingin sakin ng mga kaklase ko. wahahahaha!!!

Monday, August 21, 2006

testing 1, 2, 3...

hi! ako si scott. subaybayan nyo ang blog na 'to para mabasa nyo ang mga kwento ng buhay ko.

pagpasensyahan nyo narin pala kung medyo barok pa ang dating nito ngayon. naisip ko lang gawin 'to kasabay ng paggawa ko ng assignment sa REED141 (pakenshet, nag-aaral ulit ako ng religion!).