beam me up scottie!

Friday, October 27, 2006

ang suma total

3 linggo na pala ang nakakaraan simula nung huli ko kayong kinuwentuhan ng tungkol sa buhay ko. kaya't eto ngayon at magkwe-kwento nako ng medyo mahaba-haba habang marami pa akong oras na pwede sayangin.

sa kasalukuyan ay isa akong estudyante sa berdeng bulubundukin ng cavite. siguro dun sa sinabi kong yun e malalaman nyo kung anong unibersidad ang tinutukoy ko. bago ako napadpad ng tadhana dun e nakapag-aral ako ng ilang taon sa isang unibersidad sa kalakhang maynila na ang tinaguriang mascot nila ay ang parrot.

ayon sa text na pinadala sakin ng isa kong kaibigan ay ang maiikling pagsusulit namin sa "unibersidad ng parrot" e pinal na pagsusulit sa ibang paaralan. ngayon, dahil sa 4 na buwang pag-aaral ko sa berdeng bulubundukin ng cavite, masasabi ko na sa kabuuan e totoo yun. marahil sa pagkukumpara kong ito ay makikita mo ang estado ng mga kolehiyo at unibersidad sa ating bansa.

mas gugustuhin ng ilang mga administrador ang kumita ng limpak-limpak na salapi imbes na siguruhin na ang kanilang mga estudyante e "may ibubuga" sa mundo na kanilang papasukin pag nakuha na nila ang diploma ng pagtatapos. napansin ko ito sa aking kinalalagyan ngayon. mas pinag-uusapan ng ilang mga estudyante kung ano ang pinaka-bagong selpon o kung saan gigimik mamayang gabi kesa pano matapos ang isang gawaing-bahay. isa lamang itong maliit na paghahambing sa mga uri ng tao na mayroon sa ating bansa. bakit nagkaganoon? hindi ko rin alam. pero ang pinakasisiguro ko sa inyo ay hindi ako mapapabilang sa mga taong "walang ibubuga".

maiba tayo sa ibang bagay, tumataba na ata ako. napapansin kong tinutubuan na ako ng tiyan samantalang dati ay sintatag ako ng isang blokeng semento? dahil kaya ito sa kakulangan ng oras para mag-ehersisyo o dahil sa pagmamahal? kahit ano pa ang sagot e wala akong pakialam kasi masaya ako sa estado ng buhay ko ngayon. pero sisimulan ko narin bumalik sa dati kong kundisyon. si doc flavier narin ang nagsabi na, "bawal magkasakit". iba na ang may kaukulang pag-iingat. hanggang sa muli mga "kapatid sa pananampalataya"...

Friday, October 06, 2006

ilang tulog nalang, nasa akin ka na rin sa wakas...

halos tatlong linggo narin pala akong di nagkwekwento senyo.
hay naku, basta... isang napakalaking bola ng "stress" yung mga nakaraang linggo.

parang dinaanan lang ako nung kaarawan ko, halos di ko rin naranasan e.
eto pa't ilang araw nang puyat.
para bagang andaming nanghihingi ng atensyon mo.
di naman ganun ka-importante yung iba.

ah, ewan!

umaasa na nga lang ako na malagpasan ko na yung darating na linggo nang makapag-pahinga ng matino.